June 2nd, 2007

POST # 2.3 : BLOG BREAK

teepee is currently on a blog break. He will be back soon!

Posted by teepee at 03:55 PM in Me, Others | 1 twistered fries

February 27th, 2007

POST # 2.2 : KORING!

Pebrero 2006, eto ang buwan ng nalathala ang aking nagiisang article na pinamagatang "Kinse Minutos" sa PEYUPS. Malungkot ako nung mga panahong yun, kasi mag-isa akong nag-celebrate ng Valentine's, pagkatapos ng buong araw na trabaho, take-out ng Lauriat at Chicharap sa ChowKing, uwi sa apartment, kain tapos tulog na. Samantalang ang iba, nasa labas, nasa gimik, nag cecelebrate ng Valentine's kasama ang kanilang mga boyfriend at girlfriend. Hindi lang sa panahon ng mga Puso ganon ang araw at gabi ko. Normal na araw ko 'yon, sa loob ng ilang taon.

Pebrero 2007, makalipas ang isang taon, wala pa ring katiyakan kung may makakasama na ako sa Araw ng mga Puso. Pero kahit na wala pa ring katiyakan, masaya ako at dumating ka sa buhay ko. Matagal kitang hinintay, higit tatlong taon. Saan ka ba nanggaling? Natrapik ka ba? Muntik na akong mapanis sa kahihintay.

Pero kasalanan ko rin naman, kasi napakatagal kong magdesisyon kung liligawan ba kita o hindi. Katulad ng dati, nung una natakot ako, marami na naman akong ginawang dahilan para hindi ko ituloy ang pagsasabi sa'yo. Pero mabuti na lang at nabuo ang aking loob, at dumating na nga ang isang gabi sa isang gasolinahan, pagkatapos mong matanggap ang kauna-unahan mong bulaklak galing sa akin, nasabi ko sa sarili ko, "This is really is it..." at nagtapat na ako sa'yo.

Lahat na 'ata ng nainom kong beer ay napasama na sa pawis ko sa sobrang takot at kaba. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon mo sa aking rebelasyon. Matatawa ka ba? Feeling ko, oo, kasi iisipin mo na nagbibiro lang ako dahil alam mo na kengkoy akong tao. Magagalit ka ba? Feeling ko, hindi ko alam, dahil iba't-iba naman ang reaksyon ng mga babae pagdating sa mga ganitong bagay. Matutuwa ka ba? Feeeling ko, sana, dahil inaasahan mo na darating ang isang araw na magtatapat ako at ganon din ang iyong nararamdaman.

Salamat at hindi ka natawa at hindi ka nagalit. Salamat at binigyan mo ako ng pagkakataon. Isang pagkakataon na sa loob ng matagal na panahon ay aking inasam at pinangarap. Isang pagkakataong maalagaan ka, maingatan ka, tumawa at umiyak kasama ka, kumain kasama ka, kumanta kasama ka, sumayaw kasama ka, maglakad kasama ka, at isang pagkakataon upang ibahagi ang aking buhay sa isang katulad mo.

Magmula ng gabing 'yon, lahat ng bagay na nakapaligid sa akin ay naging mas matingkad ang kulay, naging mas masaya at naging mas may kabuluhan.

Ilang araw na lang at Valentine's day na. Hanggang ngayon ay hinihinitay ko pa rin ang matamis mong oo. Kahit wala pang "tayo", alam ko na hindi ako mag iisa pagdating ng araw na ito. Kahit wala pang "tayo", napakaraming bagay ang nagbago ng dumating ka sa buhay ko. Kahit wala pang "tayo", alam ko na mahal mo rin ako.

Salamat Koring. Salamat at ikaw ang nagturo sa akin kung paano magbigay muli, kung paano magmahal muli at kung paano mabuhay muli.

Wala man kasiguruhan kung ano ang ating kahihinatnan, sana ikaw na. Sana ikaw na habangbuhay.

Posted by teepee at 03:34 PM in Me, You | 3 twistered fries

December 22nd, 2006

POST # 2.1 : YEAR-END REVIEW

As the year 2006 is approaching to its end, this will probably be my last post of the year. As everyone became busy with the Christmas season, i became busier with my work. I'll be transferring to another group to develop a new software for our company. This means: more work, less time to blog. But as soon my workload dwindles down, i promise more updates about what's happening with my life.

Anyway, 2006 has been a kind year to me and to my family, though it was filled with ups and downs, i can safely say that it was a fair one for me. Hope that this coming year will be generous to my family, my career and be more kind to me as i persevere waiting for the "one". :D

As we continue our journey to the coming year, i sincerely wish everyone who visits my blog a very warm Christmas and a prosperous New Year!

March on to 2007!

Posted by teepee at 03:04 PM in Me | confused?

November 6th, 2006

POST # 2.0 : DREAMS

The elementary definition of a dream is: The thoughts, or series of thoughts, or imaginary transactions, which occupy the mind during sleep. It is the subjective experience of imaginary images, sounds/voices, thoughts or sensations during sleep, usually involuntarily. Dreaming is associated with rapid eye movement (REM) sleep, a lighter form of sleep that occurs during the later portion of the sleep cycle, characterized by rapid horizontal eye movements, stimulation of the pons, increased respiratory and heart rate, and temporary paralysis of the body.

According to Sigmund Freud, dreams are rich in symbolism and offer a window into the unconscious mind. It is said that one may control the course and content of dreams by a technique called lucid dreaming.

But to Carl Jung, dreams have meanings, but their meanings are idiosyncratic, complicated, and not susceptible to more than vague, uncertain, and sometimes superficial interpretations.

Bakit nga ba tungkol sa dreams ang post ko?

Napaniginipan ko kasi si Heart Evangelista nung isang gabi. Wala lang.


Ever had an interesting dream worthy of sharing?

Posted by teepee at 08:12 PM in Others | 3 twistered fries

October 18th, 2006

POST # 1.9 : PICTURES! PICTURES!

The Centennial House

Mt. Hibok-Hibok Volcanological Station

Katibawasan Falls

 

Tuasan Lagoon 

 
 Look how strong the waves are... (kaya kami na-stranded)
 
 
 
 
 

Posted by teepee at 05:25 PM in Me | 3 twistered fries

« Newer | »
the.twistered.fries is powered by tabulas || ^ top :: [Home] :: [The Man] :: [Gallery] :: [Tabulas Friends] :: [Shortstops]